PORK PATA HUMBA

INGREDIENTS:
1 kilo pork pata (sliced)
5 cloves of garlic
1 medium size onion
1 can (250 ml) pineapple juice
1/2 cup soy sauce
1/4 cup vinegar
1 bunch banana blossoms
2 tablespoons black beans
3 pieces dried bay leaves
1 teaspoon black pepper
Sugar to taste
Water as needed
Oil (for searing)

PROCEDURE:
1. Magpainit ng mantika sa kawali. Ilagay ang mga pata at iprito ng konti hanggang maging light brown. Baliktarin ang mga ito para maluto ang kabilang side. Kapag brown na, set aside muna.

2. Then, saka igisa ang mga sibuyas at bawang hanggang maging light brown. Ibalik ang mga pinritong pata at igisa ang mga ito ng 1 minuto.

3. Sunod na ilagay ang pineapple juice, suka, toyo, paminta, at dried bay leaf. Wag muna haluin ng ilang minuto. Hintayin muna makasingaw ang suka. Then saka lagyan ng tubig. Takpan at Lutuin ito ng 40 – 50 minutes o hanggang lumambot ang baboy.

4. Kapag malambot ang pata, ilagay na ang tausi at banana blossom. Lutuin pa ng ilang minuto hanggang sa lumapot ang sauce at maluto pa ang mga sinahog na sangkap.

Enjoy!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *